

Mukhang sinulit ng Showtime hosts ang bakasyon para makapag-relax at recharge. Kim Chiu is back feeling refreshed with new knowledge matapos "mag-aral" nang three weeks sa Paris. Kung si Kim ay isinabay ang pag-aaral sa bakasyon, ano naman kaya ang ganap ng iba pang Showtime hosts? Dahil ang Easter celebration ay simbolo ng fresh beginnings, isang bagong simula ang naghihintay sa 'Laro Laro Pick' player na makakasungkit ng POT money, na umabot na ng P500,000. Para ma-attract ang luck, itinodo ng mga taga-Embo, Taguig ang energy sa game arena. Kinilala ng hosts si player Ana, ang palabang mommy na tricycle driver. Reyna rin ng tahanan si Queen, na very proud sa pagsisikap ng mga anak na achievers. Achieve na achieve naman ni Vhong Navarro ang biglaang pa-tribute sa 'It's Giving' round, featuring sitcoms na halos lahat pala ay naging bahagi ng kan'yang karera. Pero, si MC, sa halip na matawa ay naiyak pa nga sa kantang "Nang Dahil Sa Pag-Ibig" na tampok sa 'You Gotta Lyric' round. Mabilis, as in 2 seconds lang, ang panalo ni Angelie sa PILImination round, pagkatapos ay sinugalan niya ang POT question tungkol sa burol kung saan ipinako si Hesus sa krus. Dumaplis ang sagot ni Angelie, pero sadyang hindi itinadhana sa kan'ya ang POT money. Tapos na ang bakasyon, pero hindi nagpapahinga ang gong! Heto ang pagsisimula ng Region 10 bakbakan ng 'Tawag Ng Tanghalan.' Buena mano sa entablado si Sophia, na ibinida ang talent sa singing with "Better Days." Pero hindi ito ang best day for Sophia, na na-gong. Samantala, pasok sa katatapos lang na Holy Week ang rendition ni Andrei ng "Lord Patawad." Tinawag ni Punong Hurado Louie Ocampo na "perfect" ang pagtatanghal. Sabi naman ni hurado Jonathan Manalo, "tumutusok sa puso" ang pag-awit, at napapikit naman si hurado Yeng Constantino sa sincerity ng performance. Dahil na-gong ang unang kalahok, automatic na itinanghal bilang daily winner si Andrei. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.