

Sa 16th anniversary ng "It's Showtime" last December 1, it's giving pasabog na party and celebration para sa buong nation! Break it down, 'yo! With hip-hop energy leading the way, the Showtime fam turned the stage into a full-on street-style party! All swag from head-to-toe sina Showtime hosts Jhong Hilario, Vhong Navarro, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ogie Alcasid, Ryan Bang, Darren Espanto, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, at Ion Perez. From sweet to maangas naman sina Karylle at Anne Curtis. May special "Mga Kababayan" rendition from Elmo Magalona and Arkin Magalona, mga anak ng nami-miss nating Master Rapper Francis M. Oh sige, kayo na pogi! Panis ang mga wannabe sa pagpasok ng mga OG! Pero ang pinakamalakas na dating, bigay natin kay Paul N' Ballin! Kasali rin sa surprises and hip-hop acts na sina Aikee at Dice &K9. At huwag kang matakot sumayaw, katawan ay igalaw dahil si Vice Ganda ang humataw kasama si Marko Rudio. Sa Laro Laro Pick special edition, naglaro ang mga madlang Solid Showtimers. "TNT" Season 1 pa lang, tutok na si Cecil sa "It's Showtime" nang suportahan ang kababayang si Noven Belleza. At bilang reward for her loyalty, ang kanyang wish na babuyan, tutuparin ni Anne! High school pa lang ay Solid Showtimer na si Shine. Hanggang sa siya'y nag-asawa at naging mommy, It's Showtime pa rin ang kanyang family. Ebidensya ba kamo? Ipinangalan lang naman niya kina Ion at Hashtag Kid Yambao ang kabal niyang anak. Pero malungkot ang kwento ni Shine dahil maagang pumanaw ang anak na si Ion samantalang nag-agaw-buhay naman si Kid noong pandemic. At sa mga panahong 'yun, It's Showtime ang pinaghugutan niya ng pag-asa. Dahil special edition ito ng "Laro Laro Pick," sa bawat round na malalampasan ay may additional P2,000! 'Di ba, binobonggahan?! Ang mga natirang players hanggang dulo, nakaipon ng P11,000. Walang uuwing talo! Si Karl ang umabante sa jackpot round. Kung 18 lang siya ngayon, that means 2 years old lang siya nang unang umere ang "It's Showtime." Literal na kinalakihan na niya ang kulitan ng pamilyang 'to. Samantala, maaga rin nagkaroon ng sariling pamilya si Karl, na nagkaanak sa edad na 16; 14 naman noon ang girlfriend niya. Dahil natuto na sa mga pinagdaanan sa buhay, payo nya sa kapwa kabataan, maghinay-hinay. Hindi rin naging madali ang desisyon ni Karl sa final game dahil sa pagitan ng P250,000 Li-Pot offer at P1 million POT money, ang hirap pumili. Hindi naman pwedeng daanin sa eenie-meenie! Matapos ang mahaba-habang tawaran, kanyang napagdesisyunan na piliin ang P250,000! Malaking tulong na ito, 'yun nga lang, sayang! Dahil alam pala niya ang tamang sagot sa POT question. Pero malaking panalo rin ang P250,000! #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.