

Kapalaran sa “It’s Showtime” Laro Laro Pick game arena ay sinubukan ng Madlang Players mula Baclaran. Napasarap ang kuwentuhan nang kilalanin nina Vice Ganda si player Jao, isang simpleng e-bike driver at street sweeper. Si player Rona naman ang magpapatotoo sa kasabihang "prayer works." Ang hiling niya noon tuwing nagdadasal sa simbahan ng Baclaran, bigyan siya ng lalaking makakasama sa buhay. Humingi siya ng sign—'yung lalaking bibigyan siya ng bouquet of flowers, 'yun ang kan'yang forever. Bagay sa kuwento ni Rona ang love song na "God Gave Me You." Pero bakit si Meme ang para bang naiiyak sa kantang ‘to? Chill lang tayo! Sabi nga ni Meme, trip-trip lang ang game na 'to! Sa jackpot round kung saan umabot na ng P200,000 ang POT money, sinugalan ng single mom at canteen server ang POT question. Masagot kaya niya nang tama ang tanong? O manghihinayang ba siya sa pagtanggi sa Li-Pot offer na P35k? Heto na! Heto na! Make way sa mga pambato ng Caraga! Sumabak na ang limang Region 13 daily winners sa Regional Finals ng 'Tawag Ng Tanghalan.' Aminadong nahirapan sina Nyoy Volante, Bituin Escalante, at Punong Hurado Louie Ocampo, pero kailangan nilang pumili at magkasundo kung sino sa lima ang lulundag sa susunod na yugto. Kung sa unang pagsalang siya'y agad kinaaliwan sa entablado, sa ikalawang pagkakataon ay dinoble pa ni Crisler Aporbo ang entertainment as he sings "Totoy Bibo." Proud na proud ang OG singer na si Vhong Navarro! Pati si Vice Ganda ay magaan ang loob kay Crisler, kaya from kantahan, nauwi sa kulitan ang mga kaganapan! Kilig is in the air sa gitna ng init ng summer, salamat sa mapusong harana ni Jeremiah Tase. Sa rendisyon niya ng "Tadhana" by Up Dharma Down, ika'y mapapangiti. Kung ito ay graduation, pang-Highest Honor ang performance ni Cheenie Dador, na inawit ang "Makita Kang Muli." Gorgeous in red si Russiana Ouano, who entertained the crowd with "Ain't No Mountain High Enough." Shining like a star in yellow naman si Kylle Andrada, singing "Cabaret." #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeRegion13Na
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.