

Sa gitna ng init, may reyna na umaapoy ang dating. Si Marina Summers, rumampa at nag-perform, kaya ang 'Showtime' stage ay burning! Hotter than the heat ang pasabog ng drag queen na ipinarinig ang single niya titled "EABAB." Sa 'Laro Laro Pick' game arena muna ang summer outing ng mga taga-Tipas, Taguig. Unique ang pangalan ni player Pango—para bang tinamaan si Vhong Navarro. Sinakyan na rin ni Vice Ganda ang biruan at ang mga ilong nina Vhong at Pango, napag-trip-an. Pati ang ilong ni player Gin, ginawang doorbell. Pero bakit ang tunog, paurong, imbes na ding dong? Kung ang ilong ni Gin ay naging doorbell, ang bibig naman ni Vhong, ginawang trash can. Walang pikunan! Nagkukulitan lang! Naging seryoso naman ang kuwentuhan ng hosts at ni player Weng, ang dakilang 'yaya' na always napapamahal sa mga batang inaalagaan niya. Sabay nauwi na naman sa tawanan ang mga eksena dahil sa isang Showtime staff na napa-explain kay Vice Ganda. Pagmamahal ang nagtulak kay player JR, isang motorcycle taxi driver na sugalan ang P150k Pot question, at tanggihan ang P25k Li-Pot offer sa jackpot round. Para sa asawa't mga anak, tinapangan ni JR ang pagpili. Kantahan na may joke time ang bonding sa 'Tawag Ng Tanghalan' kasama ang mga Region 13 contenders at hurados Kyla, Ogie Alcasid, at Klarisse De Guzman. Mula Surigao Del Norte, lumuwas ang future English teacher na si Cheenie. Mga hurados ay na-feel good sa pagkanta niya ng "Panalangin." Hirit ni Klarisse, baka raw pwede siyang mag-apply na manager. Si Kyla naman, pwedeng mag-apply bilang komedyante dahil sa mga jokes niyang havey. Malayo ang pinanggalingan ng island girl na si MJ Thyra, malayo rin ang mararating niya sa larangan ng pagkanta. Iconic OPM hit na "Anak," binigyan ng bagong interpretasyon. Na-meet kaya niya ang mataas na hurados' expectations? Subscribe to https://bit.ly/ABSCBNItsShowtime to unlock the gate to the newest online hub! For Full Episodes, go to It's Showtime on iWantTFC: https://bit.ly/ItsShowtime_iWantTFC Check our social media accounts: Facebook: https://www.facebook.com/itsShowtimena/ Twitter: https://twitter.com/itsshowtimena Instagram: https://www.instagram.com/itsshowtimena/ Visit our official websites! https://entertainment.abs-cbn.com/tv/shows/itsshowtime/main http://www.push.com.ph #ShowtimeHumor #ShowtimeOnlineU #ItsShowtime #MadlangPipol
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.