

Madlang People, break time muna at makisalo sa good vibes na inihain ng "It's Showtime" family. For our appetizer, isang masarap na jamming kasama si 'Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak' champ Marko Rudio and his band, na may bagong kanta titled "Our Song," written by his partner. Kung feeling OA na sa pagka-hungry, mabubusog ka sa tawanan 'La Loma' kung kasama ang Madlang Players mula sa Lechon Capital of the Philippines. Mga taga-La Loma, bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena. It's Aries SZN kaya ready to slay si player Aries, ang expert sa pagluluto ng lechong baboy at baka. Mas priority niya ang pagtulong sa mga magulang at kapatid kaysa unahin ang love life, although aminadong may parte rin sa puso niya na takot masaktan dahil sa mga naririnig niyang karanasan ng mga kapwa 'beki.' Bilang bahagi rin ng LGBTQ community, pinalakas nina MC at Lassy ang loob ni Aries. Napalaban naman ang Baby Dolls sa intense kembutan with player Kin, ang sweet daddy at hubby na TNVS driver. Kung astig siya sa kalsada, softie with swabeng pitik naman ang dance moves niya. Delivery is life para kay Eizz, ang player na nakarating sa jackpot round. Currently single si kuya, pero mukhang pinana ni Kupido nang makita si Jackie Gonzaga! Hindi makatingin sa mata! Eyes on the prize nga naman, mas dapat mag-focus sa pagpili kung susugalan ang P150k POT question o tatanggapin ang P25k Li-Pot offer. Huling-huli ang kiliti nina Ogie Alcasid, Bitun Escalante, at Punong Hurado Louie Ocampo sa pagsalang ng dalawang Region 13 pride sa 'Tawag Ng Tanghalan' entablado. Si Mhaica, isang aspiring policewoman. Pero bago tuluyang sumabak sa buhay kolehiyo, dito muna siya nagpakitang-gilas sa entablado, singing "Tupad Na Ang Pangarap." Valentine's Day ang feels sa FUNanghalian, salamat sa romantic at tagos sa pusong harana ni Jeremiah, singing "I'll Be." Parehong magaling, fresh and raw ang dalawang contenders. Pero may isang mas umangat sa laban, at ito ay si Jeremiah, na nakakuha ng 93.3% score. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeGowch
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.