

Hindi kailangang ‘blue’ ang kulay ng Lunes mo. Pintahan natin 'yan ng mas matingkad na hue. Sa "It's Showtime," Monday is bright like the rainbow dahil extended ang celebration dito. Siya nga pala si... J2X! Ang choreographer na si Jay Roncesvalles, o mas kilala sa tawag na Coach Jay, na nagsimula sa "It's Showtime" bilang member ng XB Gensan, aba, recording artist na! Mga reyna ng tahanan ang muling kinoronahan sa 'Laro Laro Pick' game arena. Joke ang love language ng game masters sa laro. Pero si player Rose, masyado namang seryoso. Serious din 'yung sagot niya na ang gulay sa pinakbet na nagsisimula sa letrang 'o' ay "opo." Hindi ba “ukra,” mima? Araw-gabi, sya ay happy bilang mommy—'yan si Marie! Wala man sa awra, pero kaya niyang panindigan ang pangalan na over sa pagka-girly. 'Yung maangas ka, pero ikaw si Maria Virginia! Present din si Tina, isang mananahing mommy. 'Sew' taas ng energy lalo na kapag sumasayaw ng budots, ang paborito niyang pampawala ng stress at pang-level up ng happiness. Napasaya ulit ng hosts ang Madlang People sa acting nilang very entertaining. Ang nakaraan sa 'Act-Song,' isang intense sampal ang inabot ni Ryan Bang kay Jackie Gonzaga. And in this episode, si Ryan ulit ang bida. Basang-basa sa ulan ang eksena, pero dapat makatotohanan. Sa ngalan ng Laro Laro Pick, si Ryan, binuhusan ng tubig! Kung pelikula ang PILImination, action na makapigil-hininga ang genre. Intense ang labanan sa pagbalanse ng bote, hanggang sa nanalo si Marie. Maangas talaga si Maria Virginia, kaya naging matalino sa pagpili. Forda go na sa P25,000 Li-Pot money. Huling rehiyon na ang magpapakitang-gilas sa ika-sampung taon ng Tawag Ng Tanghalan. Mga taga-Cordillera Administrative Region ang bibida. Abot hanggang hilaga nga ba ang husay nila? Alamin natin sa kanilang pagtatanghal at mga komento nina JM Yosures, Erik Santos, at Nyoy Volante. Buena mano sa entablado ang content creator ng Apayao na si Emerson. Giliw, inyong iibigin ang kan'yang "Hanggang" performance. Sweet but rock ang atake ng second contender of the day, ang 19-year-old na si Charleigh, singing "Hindi Na Nga." #MaySayaSaShowtime #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.