

Nasa kalagitnaan pa lang tayo ng buwan, kaya huwag mawalan ng hope. MAY biyayang naghihintay if you don’t give up. Sa mga pinalaki ng Sexbomb Girls, laban lang! Parang sina Jodi Sta. Maria at Jane Oineza, napalaban sa intense sayawan sa Japan, kung saan kinunan ang pelikula nilang "Midnight Girls." Napalaban din ang dalawa sa KEMBOT Challenge. Kaya biro ni Vhong Navarro, ang hirap talaga mag-promote ng pelikula, ano? Hindi lang discounted, kundi libre pa ang good vibes na pa-ayuda ng "It's Showtime" family. Their hair may be gray, pero bright and happy ang kulay na hatid ng mga beloved lolo't lola mula Valenzuela. Na-capture ng mga ningning sa mata ni Nanay Mina ang puso ni Vice Ganda. Mukhang masayahin daw ang ang 62-year-old na bisita. Ibang glow talaga ang hatid 'pag napunta ka sa tamang tao. Take it from Mina, na feeling sweet sixteen pa rin kahit senior na, dahil sa love of her life. Alam n'yo ba ang isa pang effective na pampabata? Igalaw ang katawan parang pamela one! Look no further, tingnan n'yo naman si Vhong Navarro, parang young forever. Biro ni Meme, pati cameraman tinamaan sa sexy dance ni Vhongski. Sa ating pagtanda, mainam 'yung may plano. Nilapitan din ni Vice si Melda at napatanong sa plano ng mga anak nito. Sa dami nga naman ng nangyayari sa paligid, ang palaging tanong ng madla, "ano na?!" G as in game na game ang madlang seniors sa mga fun challenges na inihanda ng 'Laro Laro Pick.' Sa 'It's Giving,' kung saan letrang 'G' ang simula ng mga sagot, aba, naka-perfect! Lights, camera, act-song! Perfect din na para bang award-winning ang performances ng "It's Showtime" sa aktingan na may kantahan sa 'You Gotta Lyric' round. With special participation ng two of the best actresses of their generation, "Midnight Girls" stars Jodi Sta. Maria at Jane Oineza, rated 5/5 stars ang mga eksena. Lodi siya sa mga karanasan at karunungan sa buhay. Sa jackpot round ng Laro Laro Pick, lodi rin natin si Nanay Lody. Sa pagitan ng P100k POT question at P25k Li-Pot offer, ano kaya ang napili ni mommy? Sa ikatlong araw ng vocal showdown ng Cordillera contenders sa Tawag Ng Tanghalan, times three rin ang tensyon. Mula sa ibayong dagat, nagbabalik Pinas ang tubong Benguet na si Vlad upang pahangain ang lahat sa kanyang pag-awit ng "Said I Love You.. But I Lied." #ShowtimeHabolTheFun #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.