

Viral sa TikTok at iba pang social media platforms ang karaoke hangout nina JM Dela Cerna, Reiven Umali, Christian Tibayan at Khimo Gumatay na nag-collab sila sa pagkanta ng "Listen" ni BeyoncĂŠ. And from TikTok, dinala nila ang vocal showdown sa "It's Showtime" stage as they performed the full version of "Listen" live. Ikinuwento rin nila ang true story behind their trending karaoke night. Pina-level up pa ng 'Showtime' family ang challenge, kung saan dapat kantahin ang âListenâ in different styles and mood. Pati si Kim Chiu ay kumasa with her "in love" version. Hindi rin umatras si Darren Espanto sa hamon at bumirit nang todo. Sa âLaro Laro Pick,â bumida ang mga Madlang Seniors na taga-Malabon. Nakikembot muna sila para ma-attract ang biyaya, pagkatapos ay nakipagkuwentuhan sa hosts tungkol sa mga pinagkakaabalahan at mga hiling nila sa buhay. Spotted din sa audience si Kapamilya star Kaori Oinuma, na off-duty muna as an actress para tumawa at makikembot. Pagdating sa âPILImination,â naging lucky charm ni player Alma si Cianne Dominguez, na tumulong sa kan'yang makarating sa jackpot round kung saan P550,000 ang naghihintay. Buo ang loob niya na sugalan ang POT question. Bago basahin ni Jhong Hilario ang tanong, nagdasal muna si Nanay Alma. Talagang makapangyarihan ang panalangin, dahil dininig ng langit ang hiling ni Nanay Alma, na naging emosyonal matapos ang pagkakapanalo niya. Sa ikalawang araw ng Region 10 bakbakan sa 'Tawag Ng Tanghalan,' tamang balanse ang hanap ng mga hurado, sa pangunguna ni Maestro Louie Ocampo. Si Aaron ang unang sumalang sa entablado. Hinarana niya ang Madlang People at mga hurado, singing "Portrait of My Love" by Matt Monro. Matamis din ang performance ng ikalawang kalahok na si Jes, na inawit naman ang Ogie Alcasid hit "Sa Kanya." Komento ni Maestro Louie, when you have the gift and the voice, maximize it. Dagdag niya, maganda ang boses ni Aaron ngunit masyadong simple ang performance. Samantala, sumobra naman ang pag-take ng risk ni Jes. Kaya payo nila, dapat balanse lang. Pero sa dulo, si Jes ang itinanghal na panalo matapos makakuha ng 90% na grado. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeAnoTara
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.