

Kung sa putahe, kumpletos rekados ang FUNanghalian ng Madlang People dahil lahat ng flavors ng comedy ay inihain sa game arena kasama ang âMakatizenâ players. May rom-com scene nang si Jackie Gonzaga ay gawing instant 'bride' dahil sa suot na white dress. Kung may bride, dapat may groom! Laugh trip ang pagkilatis ni Vice Ganda sa dalawang admirers na pumorma sa alaga niya. Pero mukhang masusulot pa ang mga tagahanga ni Jackie, dahil sa bulong ni MC. "Ano 'yung sinasabi mo, MC?" hirit ni Jhong Hilario. Dagdag biro ni Vice, "Naririnig namin dito, sabi niya, 'Pumapatol ka ba sa baklang may maintenance?'" Comedy na may romance-drama naman ang eksena ng ex-lovers na sina Jeff at Maica, na para bang 'deja vu' ito ng 'EXpecially For You.' Naging mas exciting ang kuwentuhan dahil ang present boyfriend ni Maica ay nasa studio rin pala. Nakilala rin natin si Jomer, na ârolling pandesalâ ang hanapbuhay. Itâs giving winter sa studio dahil maraming naka-hoodie. Kaya naisip ni Vice na gawin kay Jomer ang âwalking hoodieâ trend. Naki-join din sa laro sina 'Showtime' hosts Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, MC, at Cianne Dominguez. Hindi siya taga-Makati pero si MC ang 'sinuwerti' sa âLaro Laro Pick.â Ang paglalaro niya sa jackpot round ay para sa isang eliminated player na mabubunot. Ito ay si Oyeng, isang ina. Sinunod ni MC ang gusto ni Oyeng na piliin ang P100k POT question, kapalit ng P25,000 Li-Pot offerr, kahit pa, biro ng mga kasamahan niya, takot siyang mag-abono. Well, hindi siya mag-aabono dahil nasagot niya nang tama ang tanong tungkol sa naging presidente noong 2010 to 2016. Naglupasay si Oyeng sa sahig dahil sa sobrang saya. Pati sina Meme at MC, nakigaya! Ito na ang huling pagkakataon upang makasungkit ng puwesto sa Grand Finals ng âTNT Duets 2.â Ang limang âresbakerâ pares na nanalo nitong Lunes hanggang Biyernes, itinodo na ang performances sa entablado. Kumislap na parang tala ang VOCALI-STARS duo nina Sendhara Trilllanes at Romeo Ramos. You wouldnât want to miss âI Donât Want to Miss a Thingâ rendition. Komento ni hurado JM Yosures, match ang mga tinig ng dalawa pero "the louder it gets, the less impactful it becomes" Pinatunayan nina SOUL TITAS Chin-Chin Abellanosa at Meleena Santos na ang fighting spirit nilaây hindi mauubos, singing Aretha Franklinâs âRespect.â Nagustuhan ni Punong Hurado Ogie Alcasid ang vocal execution ng dalawa, pero aniya, marami pang âblank spaces.â Fantastically entertaining ang pagtatanghal ng BAI-TASTIC DUO nina MC Cabaluna at Dan Carillo, na binigyan ng refreshing flavors ang âTotoy Biboâ ni Vhong Navarro. Kung masaya si Vhong sa performance, ganoân din sina hurados Ogie at Bituin Escalante, na napatayo sa kanilang kinauupuan. âYou were so good,â sabi ni Ogie. Dagdag ni Bituin, malaking tulong na alam nina Dan at MC ang kanilang branding. Walang duda sa individual talent ng BROS NEXT DOOR, Adie Hamja at Lance Ocoma, pero sa pagkakataong ito, hindi satisfied ang hurados sa kanilang âLose Controlâ performance. Komento ni hurado JM, âYou lost control.â Mukhang nag-panic daw ang dalawa kaya hindi nagawa ang expected runs. âMahal Kong Pilipinasâ by JMara ang piyesa nina Shane Castillo at Juliana Tagalog a.k.a. DUA BISDAK. Para kay Punong Hurado Ogie, bagamaât magaling, mas nagandahan siya sa performance ng tandem kahapon. Sa dulo, Top 3 duos ang umabante para sa Grand Finals. At ito ay ang mga pares nina Chin-Chin at Meleena, Shane at Juliana, at Dan and MC. Sila ang kumumpleto sa 15 duos na magfe-face off sa week-long grand finals. #ItsShowtimeNa #ItsShowtime #ShowtimeGV
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.