
Bagay sa summer season ang performance ng Queen of Bossa Nova, Sitti Navarro. Ito 'yung perfect na playlist when chilling by the beach. Dream come true para kaya Jackie Gonzaga na makanta ang paborito niyang piyesa, "Para Sa Akin," sa harap ng original singer nito. Sitti, pasado ba? It's the last day of April pero hindi matatapos ang pagbuhos ng swerte at good vibes. Let's end the month on a high note kasama ang mga taga-San Jose Del Monte, Bulacan sa Laro Laro Pick. Best in diskerte—Noypi! Sabi nga ni Vice Ganda, hindi magugutom ang mga Pinoy dahil maraming alam na pagkakakitaan, katulad ni Goryo, na handicraft maker at rumaraket bilang farmer. Ang nakakalungkot lang, sa kabila ng diskarte ng mga Pilipino, kulang pa rin dahil ninanakawan at inaabuso. Kung saludo si Meme Vice sa sipag ni Goryo, bilib din siya sa confidence ni Joshua. Ang sabi, biruan lang, pero 'yung hirit ni Joshua kay player Shena (na kahawig daw ni Belle Mariano), parang may personal na pinaghuhugutan. Nag-init naman ang ulo ni Vice dahil sa nakawiwindang na eksena ng players sa 'It's Giving' round kung saan may mga inihandang trivia questions at ang mga sagot ay nagsisimula sa letrang 'B.' Sa pagkaubos ng pasensya niya, ‘pinalayas’ ni Meme si Jonalyn sa game arena. Ang daming nangyari sa game arena. Pero ang pinaka-inabangan ay kung susugal ba si player Ikang sa jackpot round at maiuuwi ang P200,000. Heto na nga, pinili ni Ikang ang P30,000 Li-Pot offer, na malaking tulong na sa kan'yang pamilya. Pero, ano kaya itong POT question na ayaw basahin ni Vice Ganda? Walang makakapigil sa pagpapasikat ng Region 13 contenders sa 'Tawag Ng Tanghalan.' Parang summer treat, masarap ang palitan ng opinyon nina Klarisse De Guzman, Marielle Montellano at Punong Hurado Louie Ocampo. Mula sa naipon na feelings para kay ex ang hugot ni Elaiza sa pagkanta ng "Nang Iwan" by This Band. Uy, Regine Velasquez is in the studio! Si Songbird pa ang nagbigay ng advice kay Elaiza, na para bang may pagmamahal pa sa ex-boyfriend niya. Kaya real talk ni Regine, "Minsan baka paasa lang 'yung lalaki. Kasi bakit siya nakipaghiwalay?" Ang bigat ng payo ni Mama Reg! Sweet ang atake ni second contender Russiana as she performs "Vision of Love" by Mariah Carey. Bukod sa pagkanta, talent din niya ang pagpipinta at pagtugtog ng saxophone. At nag-sample siya... without the instrument! Ang lupit! Si Maestro Louie, napangiti ni Russiana from start to finish. Bilib din si Klarisse, saying mahirap ang piyesa pero sisiw lang para sa young songstress. Sa huli, si Russiana ang itinanghal na wagi, matapos makakuha ng score na 94.3%.
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.