
juan karlos
Singer


Get ‘Sampaguita’, out now: https://juankarlos.lnk.to/Sampaguita Follow juan karlos Facebook: https://juankarlos.lnk.to/FB_Official Instagram: https://juankarlos.lnk.to/IG_Official Twitter: https://juankarlos.lnk.to/TWT_Official Youtube Channel: https://juankarlos.lnk.to/YT_OAC - Sampaguita Lyrics Oh, aking sinta, pasensiya ka na Kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi Kay dami ng taon ang kailangan kong mabawi Nagdaang mga Pasko, bagong taon at araw Ng mga pusong hindi kita makuhang madalaw At maabutan man lang ng paboritong bulaklak 'Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak Sa mundong 'di sigurado, isa lamang ang tiyak Mag-isa ka lang nang isinilang mo'ng ating anak Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan Mga sana na mahirap nang bilangin kung ilan Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan At sa paglubog ng araw, 'di kita matabihan Kahit saan man mapadpad Sa 'yo pa rin ako babalik, giliw Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita Sa halimuyak ng 'yong... Anak, kaarawan mo na ulit 'Wag mong kalimutang suutin ang bago mong damit Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit Naaalala ka ni Tatay tuwing ako'y pumipikit Patawarin mo ako, anak, kung hindi kita Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola O lumangoy sa batis na katulad ng iba At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta Magbutones ng uniporme mo sa unang araw Ng pasok sa eskuwela, puso ko'y nag-uumapaw Sa tuwa dahil ganyang ganyan ako noon Ngunit agad napapaluha 'pag ika'y nagtatanong "Kailan ka uuwi", sa 'kin ay binubulong Sagot na "Bukas na, anak" ay palaging nakakulong Sa pagtakbo'y madadapa, minsan ay masasaktan Pero sugat mo sa tuhod, hindi ko mahalikan Magbutones ng uniporme mo sa unang araw Ng pasok sa eskuwela, puso ko'y nag-uumapaw Sa tuwa dahil ganyang ganyan ako noon Ngunit agad napapaluha 'pag ika'y nagtatanong "Kailan ka uuwi", sa 'kin ay binubulong Sagot na "Bukas na, anak" ay palaging nakakulong
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.

juan karlos
Singer