

This 2026, ano ang biggest 'balang araw' na gusto n'yong i-achieve, Madlang People? Uy, napapangiti na 'yan! Daydream mode sa FUNanghalian! Para may dagdag hugot, jamming with "I Belong to the Zoo" ang sagot. Kanta nilang "Balang Araw," tatagos sa puso lalo na nu'ng mga iniwan, pagod at sugatan. Aray naman! Pero ito ang hindi tayo iniiwan, ang nag-iisang Dyosa, Anne Curtis. Kaya play the video! Eh, kung ayaw mo, sabi nga ni Anne sa social media, "'Di wag ka manood." Dahil present si Anne Curtis, may panibagong entry sa listahan ng ViceAnne Core moments! Matapos balikan ang nakaraang POT question tungkol sa Philippine Constitution, hiniritan ni Anne si Vice Ganda, "Alam mo, dapat tumakbo ka. Iboboto kita." Aliw ang naging sagot ni Meme, pero nilinaw niya na wala siyang balak na kumandidato sa kahit anong posisyon. At hindi lang sina Vice at Anne ang maganda for today's video, dahil feeling pretty rin si Lassy. May bagong suitor?! Pero dito sa 'Laro Laro Pick,' si MC muna ang ka-duo niya. Naglaro rin sina Teddy Corpuz, Cianne Dominguez, at Jackie Gonzaga. Join din sa kulitan ang madlang players mula Malabon. Hinangaan ng hosts si Jai, ang masipag na kargador sa palengke. Para mawala ang kaba ng bisita, niyakap siya nina Vice at Anne. Sino nga ba ang mas masarap yumakap sa mag-sisteret? Na-spot-an naman ni Meme ang ganda ng estudyanteng si Maxene, na hinangaan naman sa kanyang confidence. Sabi ni Meme, halatang matalino at pwedeng maging beauty queen! Pero ang pangarap niya, maging artista! Dahil diyan, nag-sample si Vice Ganda, na keri magbigay ng pangalan ng atista at kanilang famous lines from A-Z! Ang luckiest player mula Malabon, si Beth, isang masahista na palaban sa 'Laro Laro Pick' game arena. Ang mga kamay niyang madalas pagod sa pagmamasahe, makahawak kaya ng P300,000 jackPOT money? Hindi nagbago ang isip ni Beth. Ang P35,000 Li-Pot offer nina Anne at Kim Chiu, kanyang tinanggihan para sa mahiwagang katanungan. Malaki ang tiwala ni Beth sa sarili, kaya napahanga rin niya si Vice Ganda. 'Yun nga lang, sa tanong tungkol sa ibig sabihin ng 'RORO,' swerte ni Beth ay biglang naglaho. Nag-aalab ang mga pusong palaban ng mga mang-aawit na sumalang sa matinding bosesan sa ika-10 taon ng 'Tawag Ng Tanghalan.' "Sana Maulit Muli," hugot ni Cen Abo-Abo sa entablado. Agad namang sumunod si Xylem Singson, na binigyan ng R&B flavors ang OPM classic harana "Ako'y Sa'yo, Ika'y Akin Lamang." Tulad ng performances, intense ang diskusyon ng mga hurado. Pinuna ni hurado Bituin Escalante ang uncertainty at kaba sa tinig ni Cen. Agree naman si hurado Erik Santos na shaky ang boses, pero aniya, wala siyang narinig na sharp. Sa tingin lang ni hurado Erik ay mali ang song choice ni Cen. Pagdating naman kay Xylem, iisa ang opinyon ng mga hurado na sumobra sa "kulot" ang performance. Sabi nga ni Klarisse De Guzman, minsan, less is more. Despite that, naniniwala si hurado Erik na mas "exciting" ang pagtatanghal ng ikalawang contender. Uy, welcome back din kay hurado Klarisse, na dahil na-miss ang Madlang People, nag-sample ng sexy dance! Kaya biro ni Vice Ganda, may bagong aabangan kay Mowm Klang! Sa dulo, si Xylem ang itinanghal na panalo sa score na 91.7%, laban sa 90.3% ni Cen.
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.