


NAIS KO (OFFICIAL MUSIC VIDEO) - SMUGGLAZ & BASSILYO (FEAT. YORME) Lyrics 1ST VERSE: Bassilyo: Gan’to ang buhay sa pang araw-araw dito sa amin Ang swerte mo na kung may kape’t tinapay sa la mesa na nakahain Pag-malamalasin mag-uulam na lang ng asin sa tutong na sinaing Pasalamat ka pa rin kasi meron ka pa rin Samantalang yung iba walang makain Smugglaz: Lolo ko at si ama kaya lang ay magkarga, Lola ko at si ina kaya lang ay maglaba Si kuya at si ate si bunso naka-nganga, Naghihintay kung sino saming may biyaya na dala Sa sobrang sipag man ay halos magpakamatay, maliit na sahod ay dumudulas lang sa kamay Umaasa parin na makaraos sa paghihirap, gamit ang pagsusumikap at Kanyang gabay Smugglaz: Hirap maging tambay lagi lang sa kanto, anumang nasa plato, di ka makaka-angal Pano magkakabahay kung walang trabaho, hirap magtrabaho pag di nakapag-aral Andaming nasusulat na talino at kaalaman sa mga aklat na napakahalaga Pero kahit gano daw kalinaw ang mata, mananatili kang bulag kung di marunong magbasa PRE-CHORUS: Nais lang mabuhay Ng walang away walang kulay problema’y matatapos…hanggang makaraos Sama-sama tayong magtagumpay Pantay-pantay na pagtingin sa lahat, kayumanggi-maputi o moreno ang balat kahit di na para satin kundi para na lang sa mga bata kaya’t CHORUS: Ikaw NaIsko! Wala ng maraming dahilan (Posible!) ugaling makupad na di maka usad dapat na nating palitan Ikaw NaIsko! Mangarap ka wag mag alangan (Pwede!) kahit mahirap ika’y magsumikap sa buhay laging galingan (Naman!) 2x 2ND VERSE: Smugglaz: Sana lahat may maayos na paaralan kung san pwe-pwede matuto’t magaral lalo’t ang lahat ay karapatan Makapagtapos magkaron ng disensteng trabahong kanilang masandalan Bukod sa karanasan, para kahit na papano ang kumakalam nilang sikmura ay magkalaman Bassilyo: Dadapuan ng karamdaman kung ang tulugan mo’y bangketa o kalsada pag naospital ka, dun mo pa lang mararanasang may mahigaan na kama E pano kung punuan pa Wala na ring kwenta pa ang pera Kung ka laban mo na mismo ay oras at naghaha
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.