

Hawak ng Showtime Baby Dolls ang beat sa kanta nila na for sure ay magiging hit. Our girls are officially recording artists. Handog nila ang bagng EP kung saan mapapakinggan ang danceable track "Ikembot Mo." Summer glow? Check. Chill vibes? Check. Pero AshRave pala ang dahilan kung bakit our hearts are wrecked. Sumabog ang puso ng lahat sa mga kilig revelations nina "PBB Collab 2.0" 3rd Big Placer Ashley Sarmiento at ex-housemates Rave Victoria, na naki-join sa kulitan sa 'Laro Laro Pick’ kasama ang mga Madlang Players na taga-Tumana, Marikina. Sinagot ng pares ang mga tanong tungkol sa 'ligawan' status nila. Saan nga ba ang paboritong dating spot ng AshRave? At paano nila ire-rate ang 'love' nila for each other from 1 to 10? Na-evict man sila sa laro, pero panalo pa rin si Rave bilang PILIminator at natulungan niya si player Jane na umabante sa jackpot round. Naging praktikal si Jane, isang masipag na shoemaker, at pinili ang P40,000 Li-Pot offer na malaking tulong na bilang pambayad-utang. Good decision! Dahil nang subukan niyang sagutin ang POT question, nalito si Jane at maling sagot ang naibigay. Mukhang mailap talaga ang P450,000 POT money! Bandera ng Zamboanga ay iwinagayway ng dalawang mang-aawit na sumalang sa ika-limang araw ng Region 9 bakbakan sa 'Tawag Ng Tanghalan.' Satisfied ba sina hurado Sofronio Vasquez, Erik Santos, at Punong Hurado Jonathan Manalo sa performances? Unang nag-flex ng vocal prowess si Keidi Shay, singing Lady Gaga and Bradley Cooper's "Shallow." Sarap pakinggan ng kantahan, kasinsarap ng "Satti," ang specialty sa business ni Keidi at ipinagmamalaking breakfast food ng Zamboanga. Para sa mga hindi pamilyar, inilarawan ni Heidi kung ano ang satti! Pagdating sa kantahan, hindi pahuhuli ang vocalist at mommy na si Wina. "When You Tell Me You Love Me," birit niya sa entablado. Sa ngiti pa lang ng mga hurado, obvious na nagustuhan nila ang overall performance kahit nabilangan si Wina nang isang beses. At sa dulo, WINNER nga si Wina matapos makakuha ng 92.7% na grado. #ShowtimeImpernesBiyernes #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.