

Birthday bash ni Karylle, extended! Kasama sina ‘TNT’ alums John Michael Saga at Kim Nemenzo, naghanda ng special song number ang actress-host. Madalas man silang mag-asaran, pero espesyal kay Ryan Bang at Ate Karylle niya, na nag-inspire sa kanya'ng maging mas mapagmahal sa ama’t ina. Wow na wow ang mga galaw nina ex-"PBB Collab 2.0" housemates Lee Victor at Reich Alim. Maging BIG WINNERS kaya sila sa 'Laro Laro Pick' game arena? Nakasama nila ang Madlang Players na honor students. Ang exam sa game arena, dapat ma-perfect para sa chance na makuha ang P450k jackPOT money na target. Pero dahil umano sa kaba, nag-struggle ang mga estudyante sa 'It's Giving.' Bumawi naman at naka-perfect sa 'You Gotta Lyric' featuring the December Avenue hit "Kung 'Di Rin Lang Ikaw." Na-evict si Reich habang si Lee ay naka-survive. Pinatunayan ni Lee na 'task slayer' din siyang maituturing. At sa PILImination, nagpakita ng galing! Siya ang sumabak sa jackpot round para kay honor student Vy. POT ay kanilang sinugalan! Pagkatapos ng limang araw na bakbakan, sumalang na sa Regional Finals ang mga pambato ng Region 9 sa 'Tawag Ng Taghalan.' Lahat ay pumasa sa panlasa nina Erik Santos, Nyoy Volante, at Punong Hurado Louie Ocampo. Parang maririnig mong umawit ang mga anghel sa langit sa rendisyon ni Jennieve Taan ng "Hallelujah." Nagustuhan ng mga hurado ang pagiging 'orihinal' ni Ken Eguia, na nangharana sa kantang "Araw-Araw" ng Ben&Ben. "Creep" naman ang ibinirit ni Omaira Bayan. Another Ben&Ben piece on the Regional Finals stage, "Sa Susunod Na Habang Buhay" ang panlaban ni Franchinni Dela Cruz. Malalaki ang mga ngiti ng mga hurado habang pinapanoood si Wina Bayan sa tanghalan, as she sings "Lason Mong Halik." Nauwi pa sa biruan ang biritan dahil sa revelation ni Wina, na ini-imagine niyang nakaupo si mister sa puwesto ng Punong Hurado. Nag-blush tuloy si Maestro! Sa huli, hinirang na kinatawan ng Region 9 ang ikatlong kalahok na si Omaira, na nakakuha ng 94.3% na grado. Nasa ikalawang puwesto si Ken na may 93.7% at ikatlo naman si Wina sa score na 92.3%. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeRegion9Nice
Download subtitle files for this content
No subtitle files available for this title.
Cast information unavailable.